Friday, May 25, 2007
waaa....after million light years..

yay! ^^, after million light years nakapaglagay na rin ng bagong entry sa wakas...itatayp ko na lang ulit kung ano ang maisip ko..

*musta naman kayo diyan? musta ka na arigatone..musta na rin ang napaka GC na si fatal_requiem?

* ano kayang dapat na ilagay ko dito?

*gusto ko ulit magbalik loob sa blogdrive..wahehe..paano ko kaya ito pagagandahin?

* hmmm..buti pa si bianca GC..ako hindi na! waa! gusto kong ibalik ulit ang pagkaadik ko sa grades..san kaya ako magsisimula?

* hay...ano kaya ang buhay ko ngayon kung andito ka lang sa tabi ko arigatone?

*tuluyan na atang nasira ang friendship namin ni enza...talaga bang walang halaga sa kanya ang pagkakaibigan namin dahil lang sa lalaki?

* bakit kaya iisang section lang ang nakalaan para sa mga higher years sa engineering science 1? paano tayo magkakasya dun..andami nating nagdedemand dun right bianca?

*paano ko pa kaya mapapaganda ang friendster ko para naman maging formal tignan?

* waa...gusto ko ng kainin iyong piattos na nasa bag ko..kainin ko na kaya?

* magpalit kaya ako ng cellphone ulit..trip ko iyong N76 kaso ang weird..wala man lang siyang descriptions kung ano ang nagagawa niya sa kahit na anong cellphone shop..ano kaya yun?

* mapataas ko kaya ang grades ko ngayong sem?

*bakit kaya walang cwts ang engg CE sa enlistment period ng UP diliman?

*kamusta na kaya ang paggawa ni ate cai sa documentary film namin sa panpil 19? erg!

* ang dami ko namang di pa alam..sa tingin ko dapat ko na ibalik ang paglilista ko sa notebook ng mga things to do.. makakabuti kaya?

*waa..sa muli..paramdam ka po bianca at kylie..miss you..


Posted at Friday, May 25, 2007 by pinkmadness
Make a comment  

Wednesday, October 11, 2006
nabuhay din sa wakas....

grabe..hindi ko akalain na sobrang dami ng problemang dapat kong ayusin at harapin araw araw... minsan parang gusto ko na lang na wag ng gumalaw at hayaan lumipas ang oras kaso hindi pwede dahil kapag nangyari iyon para na rin akong namatay...

updates?? kinakarir ko ngayon ang guitar freaks dahil sa nangyari sa wof lumipat na lang ako sa quantum at hindi na naglaro ng exceed... kaya iyon.. kinaadikan ko naman ang guitarfreaks...natutuwa naman ako na nageexcel na ako... kaso.. kasabay naman ng lahat ng iyon ay puro problema...

ang dami kong gustong malaman...ang dami kong gustong gawin... ang daming bagay na gusto kong mag excel ako pero siyempre hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kaya paunti unti ang aking mga galaw kung hindi naman... hinihinto ko ang isa at nagpopokus sa isang aspeto ng buhay...

nagbago na nga siguro ako.,. hindi na ako iyong dating paula...madami ng nagdaan na nagpabago at humubog sa paula ngayon.. madami na akong natutunan mula sa ibat ibang karanasan at ibang tao...

naisip ko din na nagiging pabaya na ako.. pero alam ko naman na ang lahat ay may limitasyon... nilulubos ko na ang lahat ng pwede kong gawin sa buhay kasi sa mga susunod na araw... magbabago na ako... isasakatuparan ko na ang mga dapat na maging ako...

kaya eto... balak kong maging oraganisado sa buhay... balak kong maging maayos sa lahat ng aspeto at gawing balanse ang lahat ng nasa paligid ko.... mag sesecond semester na... dapat nagcoconcentrate na akong mag aral... feeling ko kasi nagiging pabaya na ako.. nababawasan na kasi iyong pagiging grade conscious kong tao.. as in.. kaya nga... ewan ko ba.. ang laki na siguro ng pinagbago ko... babalik na ako sa dating simpleng tao... seryoso.. at hindi masyadong problemado na tao... sana makaya ko ito.. lahat sana ng gusto kong mangyari ay mangyari.,...


Posted at Wednesday, October 11, 2006 by pinkmadness
Comment (1)  

Saturday, February 25, 2006
isa na namang kasalanan at problema

ang sama sama ko talaga noong february 23, 2006.... ang sama kong tao... ayoko ng mangaway pa ng tao hay naku... kung nalalaman lang ng mga nakaaway ko kung sino iyong nagpasiklab ng away sana mapatawad na nila ako kahit na may sinasabi silang masama sa akin hay... katangahan ko talaga hindi ko dapat sila tinarayan o pinagsabihan ng masama sa totoo lang nagawa ko iyon kasi nagalit ako sa ginawa nila... hay.... kaso nangyari na ang nangyari... kelangan ko na naman ayusin ang problema ko ... hindi ako nag isip ng masama sana pinigilan ko ang galit ko at naging mahinahon na lang ako...

buti na lang hindi masyado ang pagkagalit ko sa kanila pero nagulat talaga ako sa mga ginawa ng kasama ko sa kanila... hindi ako makapaniwala... ako naman nakisama sa mga ginawa niya... oh well... pero at least hindi ganun kalala ngayon... problema ko kung paano ko maeexplain sa mga nakaaway ko ang totoong nangyari kasi malamang dahil sa ginawa ko at ginawa ng mga kasama ng kasama ko e... galit na galit na siguro sila... nakapagtaray ako tuloy ng wala sa oras... hay...

I had to face my consequences at kelangan alamin ko muna ang totoong nagyari behind that problem that creates another big problem... hay... kung alam lang talaga ng mga kaaway ko kung ano ang nangyayari sa side ko.. sana naman naiintindihan nila ako.. kaso theres no means of communication... alam ko naman na iyong pinag ugatan ay mababaw lamang pwede ko namang wag pansinin kahit na magsabi sila ng mga pangit na bagay sa akin... hay...

Ang problema pano ko aayusin ang gulong nag umpisa na? ang lalabas naman nito ako iyong masama hay... oh well.. aaminin ko na naging masama noong araw na iyon pero hindi ako iyong nagsulat ng napakalaking sulat na nakapentel pen... nagsisi na ako sa mga ginawa kong katarayan pero anyways hindi na iyon mababagoi as stated by the principle of Stoicism... hay... sana naman magkaayos n kami ng mga kaaway ko pero sa ngayon malabo na iyon mangyari...

oh well...... >___<


Posted at Saturday, February 25, 2006 by pinkmadness
Comment (1)  

ang ganda ng poem...

Fools are fools

Wherein they set you as a God

An idol to worship

But I alone knew

That you were

But a man and no saint

But a man –

Who art as though

A summer breeze

A cold day’s mist

Or perhaps a bittersweet breath

Lasting, but not a forever…

But a man.

But a man I had once loved.

 


Posted at Saturday, February 25, 2006 by pinkmadness
Make a comment  

Monday, February 20, 2006
Punongkahoy

gusto ko lang magbigay ng opinyon sa aking nabaa tungkol sa isang kwento sa usbong na pinamagatan na Punong kahoy ni Buenaventura S. Median Jr....siguro masasabi kong nagustuhan ko ng bahagya ang kwentong iyon... marahil puno ng kalungkutan at kawalang pag asa..pag ibig... kagandahan ... at kasiyahan..

"Binulabog ng hangin ang mga alitaptap at sa gitna ng dilim ay naiwan ang punongkahoy na nag iisa...."

Napakaganda ng pahayag na ito lalo na ang naging impluwensya ng punongkahoy sa buhay ng pangunahing karakter dahil naging pag asa niya ito sa gitna ng mga kagipitan ... suliranin...problema na dumating sa buhay niya.  ang mga alitaptap ang nagsisilbing nagbibigay liwanag sa kanyang buhay o ang naging rason niya para mabuhay at naging pag asa niya bago sila nawala at iniwan siyang nag iisa sa buihay..

Kung tutuusin napakahirap na maiwang nag iisa sa buhay napakatatag ng loob ng sinumang makakalagpas sa napakabigat na pagsubok na iyon....kaya naman parang sa bawat sandali ng buhay ko ay naiisip ko ring maaring mangyari sa akin ito balang araw... eh kung sa ngayon lamang ay para na rin akong nag iisa sa gitna ng dilim... at parang pinag takluban ng lupa at langit ....

saan pa kaya ako makakakuha ng pag asa kung sakaling nasira at nawala na sa aking piling ang lahat ng nagbibigay ng kagandahan...kasiyahan...pag ibig at poag asa sa akin?...

>_<


Posted at Monday, February 20, 2006 by pinkmadness
Make a comment  

kalungkutan

wala akong mailagay sa blog ko ngayon kaya ito na lang...para naman kahit na tula lang meron akong naiupdate sa aking blog.....

Hindi ko alam ang dapat gawin
Hindi ko alam ang dapat unahin
Naguguluhan ang aking isipan
Sa aking tunay na nararamdaman

Gusto kong hilingin
Na ang aking pakiramdam ay alisin
Upang ang problema ko'y maibsan
Sa tuwing ito'y nararanasan

Mahirap isipin
Mahirap ilihim
Ngunit kalungkutan
Ang siyang kapalit ng lahat ng niyan

Dapat bang sundin ang laman ng isip
O ang pusong nahihirapan
Para sa akin kung ano ngmakakabuti sa lahat
Maspipiliin kong Maghinagpis at magpakamartir
Maging masya lang ang taong akinhg pinapapahalagahan

Maging tahimik
Maging malungkot
Yan ang dapat na aking gawi
Para lang maipakita kahit na saglit
ang pusong sawi na kahalo ng hangin sa pag ihip

Posted at Monday, February 20, 2006 by pinkmadness
Make a comment  

Wednesday, February 15, 2006
hindi ko maintindihan

napapansin ko na ...parang sa mga nagdaang araw parang walang katuturan ang mga nangyayari sa buhay ko... ewan ko ba hindi ko alam; anyways... dekada na ata bago pa ako nakapagsulat ulit dito... hay... hindi ko alm ang gagawin ko sa ngayon.... actually... naguguluhan lang ako kung anong dapat gawin at isa pa nasasaktan ako....

ewan ko ba kung talagang nasasaktan ako o baka naman its just my emotional side kaya naman gulong gulong na ako... pero i think rationally kung anong dapat na gawin ...iyon bang kung ano ang makakadulot ng kabutihan sa mas nakakarami... ayoko naman kasi na sarili ko lang ang iniisip ko ... ok lang na kung ano ang mangyari sa akin wag lang mapahamak ang mga kaibigan ko... o kakilala ko...hay.... hindi ko kasi kayang matiis na may kaaway o kagalit... naasiwa ako... gusto ko palaging nagkakabati... kung hindi man nila ako pansinin ok lang sa akin... mataray ako o should i say madalas ako magalit kung ang sitwasyon ay parang nililito ako kung totoo ba o hindi... tipong hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo pero kasangkot ka doon sa nangyayari... ayoko ko naman nun para kasing wala akong pakialam....

kaya kong maging tahimik pero as much as possible gusto ko kinakausap ako ng mga kakilala ko... ako siguro iyong tipo ng taong kelangang mong lapitan o kausapin bago magsalita at maging magulo.... madali akong magpatawad sa mga kaaway ko... hindi ko naman sila ipinapako sa krus at magtatanim ng sama ng loob... siguro iniisip nila na galit pa rin ako o may sama na ng loob ako kapag hindi ko sila iniimik pero sa totoo nahihiya akong unang kumausap sa kanila... as i said before hindi ko kayang may kaaway o kagalit ako... pag hindi ko pa naman kakilala e... nahihiya ako... i feel uncomfortable pero kapag lumaon na magiging comfortable na ako sa kanila....

hay.... actually namimiss ko na sila ung kulitan nila... kaso wala akong magagawa kasi hindi ko sila kinakausap at hindi rin nila ako kinakausap ... pero napapangiti na lang ako sa mga kulitan nila... hay.... anong gagawin ko... ok lang na maging tahimik na lang ako sa isang tabi para naman maging maligaya ang aking mga kaibigan.... kahit na medyo masakit...


Posted at Wednesday, February 15, 2006 by pinkmadness
Make a comment  

Saturday, July 09, 2005
Adjustments is the answer to all changes in life



buti naman nakapagsulat ako dito ...

paminsan minsan na lang kasi ako nakakapunta dito...

the reason is of so many things to do and to think of at marami akong gustong i type kaso hindi kasya kaya buod na lang



una ang naalala ko ay iyong tungkol sa magiging ako kapag umalis na si kylie.... wala lang bigla lang napasadahan ng malalim na pag iisip ko...



Magiging malungkot ako kung matutuloy ito pero lets accept the truth and reality... from my own point of view ako ang pinaka apektado dahil si kylie ang itinturing kong pinakamalapit at pinkamatalik kong kaibigan sa aming grupo... maliban pa doon siya rin ang kasabay ko pag uwi... hay... hindi ko na masyadong papalawakin pa ang istorya... Change is constant in this world.



Adjustments is the answer to all my problems but its difficult to do. Kylie you will still be my companion, friend, kabarkada, schoolmate, bestfriend.


Posted at Saturday, July 09, 2005 by pinkmadness
Comment (1)  


Next Page

   


  • name: paula chan
  • nickname: paula a.k.a. pinkmadness1114
  • favorite color: pink

  • << January 2012 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    01 02 03 04 05 06 07
    08 09 10 11 12 13 14
    15 16 17 18 19 20 21
    22 23 24 25 26 27 28
    29 30 31



    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed